Mga Pahina

Linggo, Abril 10, 2016

Congratz

Hi pabati muna sa mga grumaduate ngayon batch 2016 lalo na sa mga kolehiyo, ito na ang panibagong yugto ng inyong buhay.Wag matakot sa mga naririnig na kwento o discouragement about look for work natural lang yan panimula ika nga. For me gawin mo na muna lahat ng gusto mong gawin i mean bakasyon ka muna, bond with your friends makisleepover, bond with your family,pets,boyfriend,girlfriend ganun then assess yourself, kondisyunin mo na sarili mo, plan kung ano talaga gusto mong work  yung talagang sa tingin mo magiging happy ka pag ginawa mo to di yung napilitan ka lang dahil iniisip mo na wala ka naman choice hhmmh! big no no! wag ng maghanap ng komlikadong mga rason di nakakatulong. Maganda rin na nakaline sa kursong kinuha mo para magamit mo yung natutuhan mo or kung talagang nakita mo na medyo 50% ka go and explore but make sure na  may target ka di dahil lang sa curious ka at  halos lahat inikot mo na tapos ganun din pala walang pinatunguhan, nagpasyal pasyal lang ang peg? take note di maganda sa resume na palipatlipat ka di na to tulad sa school na pwede ka pang maglaro sa oras at panahon. 

If naguguluhan ka talaga at di ka makapagdecide kung anong work na gusto mo take a free test sa net at may mga assessment kang makikita at makukuha na makakatulong sayo na mabuild up sa natitipuhan mo then pagaralan mo ito at walang masama kung ito ay iyong susubukan. Di mo rin kasi mapipilit sarili mo kung talagang ayaw mo diba dahil ang kalalabasan ay kundi kulang, di maganda.

BTW gusto ko lang ishare mga natutuhan ko sa paghahanap ng work sana makatulong sa inyo:
1.0 assess sa sarili kung anong field ang tatahakin
1.1 make a presentable resume, komplituhin yung mga requirements na usually na pinapasa like diploma, TOR, NBI,SSS,PHIL,
1.2 magsearch sa jobstreet, indeed,kalibrr, or job fair
1.3 sa pagsesend ng resume make sure na naka pdf format ito para safe at search ninyo muna yung pagpapasahan ninyong company at yung background na din nito
1.4 magsearch sa net ng mga tips pano sasagot sa interview, anong klaseng attire ba ang pwede, etc.
1.5 pagnainvite kana sa interview wag papalate mas maganda kung mas maaga ka pa sa sinabing time you know kahit filipino time tayo atleast dito ipagpaliban ang salitang iyun.
1.6 sa interview bring snacks,water,id, BALLPEN! iwan ninyo na lahat wag lang ballpen haha! nakakaturn off talaga kung manghihiram ka pa mismo sa magiinterview sayo.
1.7 Be confident enough, Be yourself and lastly dapat sa simula pa lang ginawa mo na to at ito ay ang magPRAY. Bago ka palang maghanap ng work dapat nasumbit mo na ito sa iyong panalangin para madirect ka sa iyong tatahakin.And for me "GOD'S PLAN IS BETTER THAN OUR PLAN" kaya kapit lang kaya mo yan! tiwala lang!

Sabado, Marso 26, 2016

Anong Araw

Ordinaryong araw na lang ito kung ituring sa ngayon. Siguro nga panahon ay nagbabago ngunit nakakalungkot isipin ang kahalagahan ng araw na ito ay wala na sa bawat tao. 

Sa akin paglalakad, mapakaliwa man o kanan kalat ay kahit saan masakit sila sa mata kung ito ay iyong titignan. Sila ang kalat na di mo mawawalis agad, gamitan man ito ng kahit anong panglinis ay di mo ito kayang itapon sa dapat nitong kalagyan. 

Sila'y nagdidiwang party party pa ang tema kesa sa magnilay sila ay nagiingay pa. Ang iba ay nakatambay lang sa  mga kanto nagaabang ng may mapagtitripan imbis na sila ay tumulong sa mga nakakatanda sila pa ang dagdag sa problema. 

Naisipang kong sumakay na ng bus at sa aking pagupo may dalawang kabataan sa aking tabi, sila ay tila naiinis na sa kanilang natutunghayan, nababagot at nagsasabing paulit ulit na lang daw ang pinapalabas at wala na daw bang iba magandang pelikula dahil alam na nila ang storya. Ako'y napaisip at napatingin sa kanila dahil alam nga ba nila talaga ang storya at kilala ba nila ang nasa storya.

Ang iba naman ay nagsitakbuhan siguro nga doon sila magninilay ngunit pangsariling kasiyahan lang pala ang hangad rason nila pangbawi daw sa kapaguran sa buhay. 

Isang musika na umaalingawngaw sa kapaligiran, lumilibot sa bawat daan, lirikong puno ng kasinungalingan dito pa nila naisipan magkalat.

RESPETO NASAAN! ngayon ay mahal na araw, walang man itong eksaktong petsa sa bibliya ngunit ito ay dapat inaalala, kahit sa saglit na araw di ba ito kayang ibigay ng may buong pagpapakumbaba. Ang daming natin dinadahilan ang dami natin nirarason ngunit sa kabila nito minamahal Niya pa rin tayo kahit di naman karapat dapat! Ibinigay Niya ang kanyang bugtong na Anak para lang mailigtas tayo ngunit ANO ang ginagawa natin! ANO ang ginawa natin.


"Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. "  Juan 3:16


Biyernes, Marso 11, 2016

Change Climate Change

 


Friends please join "EARTH HOUR 2016" celebration on March 19, 2016, 8:30 PM - 9:30 PM PH time by turning off all non-essential lights in your house.
 

Celebrate it with your family,friends,officemates or classmates, have a candle lit dinner outside your house if you have a garage or space , go and stargaze all night, go camping, play board games or take some pictures and selfies for docu. :)  



For more information kindly visit:
http://earthhour.org/climateaction

Linggo, Pebrero 14, 2016

Ngiti

Wag mangagalit kung puso'y puno ng hinanakit,
Wag mangalumbay kung damdamin ay sawi,
Luha'y titigil kung itoy iyong nanaisin,
Galak ang ipalit kesa magmukmok sa isang tabi.

Buhay hiram lang natin,
Gawin makulay at itoy atin ibahagi,
Kalimutan ang sandali panalangin ang sumbitin,
Lahat mapapawi kung ikay nagtitiwala at kakapit.

Sabado, Pebrero 13, 2016

Kahapon

Nagbabalik mawawala, 
Sisilip magtatago,
Dadating tatakbo,
Nakatayo di lalapit

May bibig nakatikom,
May puso pero yari sa bato,
May pakiramdam ngunit manhid,
Emosyon? paikot ikot.

Luha na ngingilid,
Matang nagsasabi,
Paano ito mapapawi,
pano ko malilimutan ang kahapon. 

Miyerkules, Nobyembre 18, 2015

Bakit

Bakit mo kailangan itago kung sino ka talaga, natatakot ka dahil baka husgahan ka ng sanlibutan?

Bakit mo kailangan magpanggap pa,dahil iniisip mo na baka layuan ka? 

Bakit mo kailangan magsinungaling sa iyong nararamdaman, dahil wala ka ng ibang paraan? 
kaya ba sasaktan mo ang iyong sarili at magtatago sa gawa mong rehas?

Bakit mo tinutulak ang mga taong nais kumatok sa puso mo? dahil ba di matapatan yan pamantayan mo?

Bakit mo kailangan laruin ang mga emosyon dahil nagbibigay ba to ng aliw at interes sayo?

Nakakalungkot isipin na ganito ang gingawa mo, gustong gusto ko sanang ibigay ang kamay ko....... kaso...... isa ako sa mga tinutulak mong palayo.

Linggo, Oktubre 18, 2015

Pinaghirapan mo itong kunin ngunit paano kung kinakailangan mo pala itong bitawan bibitawan mo ba?